- Paggamit ng Droga
- Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang mga gamot ay sinadyang gawin sa mundo upang makapagbigay-lunas sa mga may sakit na dinaramdam. Ito ay medisina upang madaling mawala ang mga sakit ngunit sa kabila nito'y ang mga taong mapang-abuso ay patuloy ang paggamit na kung saan halos malulong na sila sa mga gamot na ito at ito ang simula kung bakit nakakakuha ng mga sakit ang mga taong gumagamit nito.
- May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang dudang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa ating lipunan. Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.
Ang panahon ng paggising ay ngayon. Bigyan natin ng pansin ang nakakapagpabagabag na isyu tungkol sa droga na lumalaganap sa ating bansa at ating isabuhay ang maaaring idulot nito sa atin. Marami mang mga tanong ang namumuo sa ating isipan ay hindi dapat ipangamba bagkus, tayo ay maging positibo at alamin ang tama at mali sa landas na ating tatahakin.
No comments:
Post a Comment