Kapatid

Sinasabi ng lahat na ang kapatid ay ang pinaka magandang regalo
na pinagkaloob ng ating diyos at ng ating magulang. Kapatid na siyang
nagsisilbing gabay, inspirasyon at katuwang natin sa ating mga buhay. Sa
magkakapatid hindi natin maiiwasan ang simpleng bangayan at problema na
napagdadaanan.
Ang problema ng mga magkakapatid ay parang tagihawat bagamat
ibabaw lang ng tagihawat ang nakikita natin, hindi natin alam na may dulot
itong impeksyon. Sa katulad na paraan ang pag-aaway ng magkakapatid ay ibabaw
lang ng mas malalim na problema. Sa ating mga nararanasan natuto tayo kung
paano ayusin ang hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Isa pa sa paraan na itinuro
ng ating mga magulang ay magkaroon ng kasunduan ang bawat isa, matutong
magpatawad, lumimot at higit sa lahat pahalagahan ang magagandang katangian ng
ating mga kapatid. Kung may kapatid man tayong mahirap pakisamahan maging
positibo lang tayo sa lahat ng bagay at ilapit ang loob sa kanya isipin mo na
lang, natutulungan nila tayong malinang ang mahahalagang katangian sa buhay.
Hindi natin alam kapag bumukod ka na tayo ibat-ibang klase na ng tao ang ating
makikilala, nariyan ang may naiinis sayo, manhid, makasarili at walang galang
kaya sa bahay pa lang dapat matuto ng makisama. Iyan din ang turo satin ng mga
nakakatanda sa atin.
Walang sino
mang makasisisra sa samahan ng mga magkakapatid kung ito’y nagsasama ng buong
galak nagmamahalan, nagkakaunawaan at nagtitiwala sa isat isa.
Ganyan ang magkakapatid magkasamang humaharap sa pagsubok at tiyak na mas higit na matatag ang samahan ng magkapatid kung may isang tunguhin sa isa’t isa at higit sa lahat may paninindigan pagdapating sa may poong maykapal.
Ganyan ang magkakapatid magkasamang humaharap sa pagsubok at tiyak na mas higit na matatag ang samahan ng magkapatid kung may isang tunguhin sa isa’t isa at higit sa lahat may paninindigan pagdapating sa may poong maykapal.
