Wednesday, 21 August 2019

REPLEKTIBONG SANAYSAY


Kapatid


Image result for LARAWAN NG MAGKAKAPATID


Sinasabi ng lahat na ang kapatid ay ang pinaka magandang regalo na pinagkaloob ng ating diyos at ng ating magulang. Kapatid na siyang
nagsisilbing gabay, inspirasyon at katuwang natin sa ating mga buhay. Sa magkakapatid hindi natin maiiwasan ang simpleng bangayan at problema na napagdadaanan.

Ang problema ng mga magkakapatid ay parang tagihawat bagamat ibabaw lang ng tagihawat ang nakikita natin, hindi natin alam na may dulot itong impeksyon. Sa katulad na paraan ang pag-aaway ng magkakapatid ay ibabaw lang ng mas malalim na problema. Sa ating mga nararanasan natuto tayo kung paano ayusin ang hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Isa pa sa paraan na itinuro ng ating mga magulang ay magkaroon ng kasunduan ang bawat isa, matutong magpatawad, lumimot at higit sa lahat pahalagahan ang magagandang katangian ng ating mga kapatid. Kung may kapatid man tayong mahirap pakisamahan maging positibo lang tayo sa lahat ng bagay at ilapit ang loob sa kanya isipin mo na lang, natutulungan nila tayong malinang ang mahahalagang katangian sa buhay. Hindi natin alam kapag bumukod ka na tayo ibat-ibang klase na ng tao ang ating makikilala, nariyan ang may naiinis sayo, manhid, makasarili at walang galang kaya sa bahay pa lang dapat matuto ng makisama. Iyan din ang turo satin ng mga nakakatanda sa atin.

Walang sino mang makasisisra sa samahan ng mga magkakapatid kung ito’y nagsasama ng buong galak nagmamahalan, nagkakaunawaan at nagtitiwala sa isat isa.
Ganyan ang magkakapatid magkasamang humaharap sa pagsubok at tiyak na mas higit na matatag ang samahan ng magkapatid kung may isang tunguhin sa isa’t isa at higit sa lahat may paninindigan pagdapating sa may poong maykapal.

  1. Paggamit ng Droga
Image result for picture of drugs







  1. Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang mga gamot ay sinadyang gawin sa mundo upang makapagbigay-lunas sa mga may sakit na dinaramdam. Ito ay medisina upang madaling mawala ang mga sakit ngunit sa kabila nito'y ang mga taong mapang-abuso ay patuloy ang paggamit na kung saan halos malulong na sila sa mga gamot na ito at ito ang simula kung bakit nakakakuha ng mga sakit ang mga taong gumagamit nito.



  1. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang dudang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa ating lipunan. Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

    Ang panahon ng paggising ay ngayon. Bigyan natin ng pansin ang nakakapagpabagabag na isyu tungkol sa droga na lumalaganap sa ating bansa at ating isabuhay ang maaaring idulot nito sa atin. Marami mang mga tanong ang namumuo sa ating isipan ay hindi dapat ipangamba bagkus, tayo ay maging positibo at alamin ang tama at mali sa landas na ating tatahakin.